Ang paggunita sa ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ay ginanap sa Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat Shrine, Pilar, Bataan ngayong ika-9 ng Abril 2022. Dala ang temang, ‘Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino’, naaangkop ang panahong ito upang alalahanin ang sakripisyo ng mga Pilipino, mapa-beteranong sundalo man o sibilyan, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kagitingan ng bayaning Pilipino sa mahabang kasaysayan ng bansa ay patuloy na gagabay sa laban kontra sa pandemya, kahirapan at katiwalian.
- Details