MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 578

press relese 86

Malugod na ipinababatid sa publiko na ipinagdiriwang mula 1-31 Agosto 2014 ang Buwan ng Wikang Pambansa alinsunod sa tagubilin ng Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997. Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang temang pagdiriwang sa taong ito ay “Filipino: Wika ng Pagkakaisa”. Dagdag pa, ang dating Pangulong Manuel L. Quezon, na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong 19 Agosto 1878. Sa bisa ng proklamasyong ito, nangunguna ang KWF sa pagsasagawa ng mga makabuluhan at napapanahong mga programang may kinalaman sa wika at kulturang Filipino.

Isa sa mga layunin ng pagdiriwang na ito ay ang maghikayat sa mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang Filipino sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Wikang Pambansa, maaari niyo po bisitahin ang “website” ng KWF: http://kwf.gov.ph/?p=4715.

Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Muscat ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

 

 

back toNewsPressRelease